Una sa Balita

Tsismosang Loren, sinaway ni Sotto

By
0 2,204

Hindi napigilan nina Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III at Senate Majority Leader Migz Zubiri na sawayin ang mga kasamahan sa ingay na idinudulot ng mga ito sa gitna ng kanilang sesyon.

Sa sesyon kahapon, diretsahang pinatahimik nina Sotto at Zubiri si Senador Loren Legarda at iba pang kasamahan nang mag-resume ang session matapos ang maikli nilang break.

“Mr. president may I ask our colleagues to calm down as there can only be one session on the floor, Mr. President,” saad ni Zubiri.

Sumagot naman si Sotto ng ‘The session of Senator Legarda is adjourned.”

Nasundan ito ng bahagyang tawanan sa loob ng session hall at mga katagang “Thank you, Mr. President,” mula kay Zubiri.

Idinaan nina Sotto at Zubiri sa biro ang pagsaway sa mga kautu­tang-dila ni Legarda na kalimitang ginagawa ng ilang senador kapag may maingay sa session hall, pero may mga senador na galit na nana­naway sa maiingay nilang kasamahan.