Una sa Balita

Tsismis lang ba ang narco-list?

0 1,161

May panahon pa si Pangulong Duterte para ilabas ang mga pangalan ng mga barangay official na ayon umano sa kanyang listahan ay sangkot sa iligal na droga. Sa susunod na buwan pa naman ang eleksiyon at pasimula pa lang din naman ang kampanya.

Noong 2016 pa lamang ay bukambibig na ng Pangulo ang listahang ito at sinasabing 40% sa mga barangay official ay sangkot sa iligal na droga – dahilan umano ng paglala ng kalakaran ng droga sa mga komunidad.

Ang hindi ko maintindihan ay bakit hindi inilalabas ang mga pangalan ng mga barangay official na ito kung talagang sigurado siyang sangkot ang mga ito sa iligal na droga. Bakit hindi pa kasuhan kung talagang may nagawang krimen.

Mapapaisip ka tuloy kung isa na naman ang drug list na ito sa mga haka-haka ng Pangulo. Hanggang ngayon ay hindi pa rin maliwanag ang mga numero kaugnay ng problema sa droga. Maski ang Pa­ngulo ay pabago-bago ng numero.

Malaking tulong sana sa pagdedesisyon ng mga botante kung sino ang kanilang iboboto sa susunod na buwan kung mailalabas ang mga pa­ngalan ng mga barangay official na sangkot sa iligal na droga.

Sa mga malalaking lungsod, limitado ang impormasyon ng mga tao sa kanilang mga barangay official dahil halos lahat sa mga ganitong lugar abala sa kanilang pang-araw-araw na gawain.

Aminin na natin, marami sa mga tagalungsod ang hindi talaga kilala ang kagawad sa kanilang barangay at marami-rami rin ang hindi pamilyar sa mukha ng kanilang barangay chairman.
Kaya nga kung may mga barangay official na sangkot talaga sa iligal na droga at nasa listahan ng Pangulo, ito ay maaaring makatulong sa mga botante kung sino ang kanilang iboboto sa Mayo 14.

Hindi nga lang dapat iniyayabang ang mga narco-list na hawak umano ng Pangulo. Ang tama at nararapat na gawin ay kasuhan ang mga taong mapatuna­yang sangkot sa iligal na droga.
Hindi dapat matapos ang drama sa paglalabas lamang ng pangalan. Kailangan sampahan sila ng kaso dahil hangga’t hindi ito ginagawa ng Pangulo, patuloy lamang ang kalakaran ng iligal na droga.

Siguraduhin din sana ng gobyerno na ang mga susunod na kakasu