Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tsinoy napakapit sa live wire, patay

0 69

Patay ang isang Filipino-Chinese matapos mahawakan ang high tension wire ng Ilocos Sur Electric Company (ISECO) sa Candon Wet Market (CWM) sa Barangay San Nicolas, Candon City, Ilocos Sur kamakalawa.

Kinilala ng Candon City Police Station (CCPS) ang biktima na si Alwin A. Cu, 30, ng Barangay Pila, Laoag City.

Sa report, ayon na rin sa CCPS, nangyari ang insidente alas-5:22 ng hapon.

Bago ang insidente, bumaba umano si Cu sa isang puting Hino truck na may plakang NDF-7276 upang senyasan ang driver nito na paatrasin ang truck.

Habang nagpapaatras, hinawi niya (Cu) ang isang wire ng ISECO ngunit bigla nang nangisay ang Tsinoy.

Nahawakan umano ng biktima ang open primary live wire cable kaya nakuryente at namatay bago dumating ng St. Martin Hospital ng Candon City. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.