Una sa Balita

Tsinoy dinampot sa bodega ng pekeng alcohol

0 497

Arestado ang isang Tsinoy na nagmamanupaktura ng pekeng alcohol matapos ireklamo ng kanyang mga kapitbahay at opisyal ng barangay kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.

Kinilala ng Manila Police District-Police Station 1,ang suspek na si Robert Tiu Teng, taga-Dayao St., Tondo, Maynila kung saan ilang empleyado nito na hindi pa pinangalanan ang kasama nitong inaresto.

Si Teng ay dinakip matapos ang isinagawang test buy ng pulisya.

Nang arestuhin, dito na nadiskubre ang isang bodega na nagsisilbing gawaan ng mga pekeng alcohol.

Sa inisyal na imbestigasyon ,alas 10:30 ng umaga nang isagawa ng mga tauhan ng MPD-PS1, ang operasyon sa lugar.

Sa kasalukuyan ay patuloy pa ring iniimbestigahan nila PLTC Christopher Navida, station commander ng MPD-PS1 ang bodega ng pekeng alcohol. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More