Una sa Balita

Tserman todas sa buy-bust

By ,
0 3

Todas sa buy-bust operation ng pulisya ang isang aktibong barangay chairman sa baya­n ng Laurel, Batangas, matapos makipagpalitan ng putok sa mga operatib­a dakong alas-10:37 ng gabi kamakalawa.

Kinilala ng Laurel Municipal Police Station ang napaslang na suspek na si Charlie Sanchez Macapuno, barangay chairman ng Poblacion 1 sa nasabing bayan, na umano’y naunang nagpaputok ng baril sa umaktong poseur buyer, sa ikinasang drug bust sa kadikit na Brgy. San Gabriel sa nasabi pa ring bayan.

Mabilis pang isinugod sa St. Andrew Hospital sa Talisay, Batangas si Macapuno ngunit dineklara rin na dead on arrival pagsapit sa nabanggit na ospital.

Narekober sa crime scene ang ilang plastic sachet ng hinihinalang shabu at buy-bust money­, sasailalim sa pagsusuri ng Batangas Crime Lab Office ang mga narekober na ebidensya.