Una sa Balita

Tserman timbog sa iligal na baril sa Batangas

By
0 199

NAARESTO ng mga pulis ang isang barangay chairman matapos makumpiska sa pag-iingat nito ang isang high powered firearms at mga bala sa operation ng mga pulis sa Brgy. Pulang Lupa, Mabini, Batangas kamakalawa nang gabi.

Kinilala ng Mabini police ang suspek na si William Dadua Magsino, chairman ng nasabing barangay.

Ayon kay Police Sr. Insp. Hazel Luma-Ang, information officer ng Batangas Provincial Police Office, inaresto si Magsino sa bisa ng search warrant dakong alas-siyete nang gabi.

Nang halughugin ng mga pulis ang bahay nito, nadiskubreng nakatago dito ang isang Elisco M16-A1 cal. 5.56mm rifle at mga bala.

Nasa kustodiya ngayon ng Mabini police ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.