Una sa Balita

Tserman nilikida sa loob ng bahay

0 315

Patay ang isang barangay chairman matapos pasukin ng apat na hindi pa kilalang lalaki ang bahay nito at pagbabarilin, Martes nang gabi, sa Brgy. Rombang sa bayan ng Laoang, Northern Samar.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan na agad ikinamatay ng biktimang nakilalang si Carmelito Baluyot, 51-anyos, kapitan ng Brgy. Rombang ng nasabing bayan.

Sa ulat ng Laoang Municipal Police Station base na rin sa salaysay ni Junicar Baluyot, anak ng biktima, dakong alas- otso nang gabi ng pasukin ng apat na kalalakihang suspek na armado ng baril ang kanilang bahay at pagbabarilin ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Matapos na masi-gurong wala ng buhay ang kanilang target ay mabilis ding tumakas ang mga suspek patu-ngo sa hindi mabatid na direksyon lulan ng da­lawang motorsiklo.

Patuloy naman ang ginagawang im­bestigasyon ng pulisya upang mabatid ang motibo ng pamamaslang gayundin sa posibleng pagkilala sa mga salarin. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy