Una sa Balita

Tserman itinumba

By
0 99

Masusing imbestigasyon ang iniutos ngayon ni Bicol Regional Director Chief Supt. Melvin Buenafe sa pagkakapaslang sa isang kapitan ng barangay na tinadtad ng bala habang nakatayo sa harapan ng kanilang bahay sa bayan ng Bato, Camarines Sur.

Ayon kay Buenafe, isang task force na ang binuo ng kanilang tanggapan para malaman ang pagkaka­kilanlan ng mga pumatay kay Rey Arroyo, kapitan ng Barangay Neighborhood ng nasabing bayan.

Si Arroyo ay pinagbabaril ng riding in-tandem dakong alas-9:30 ng gabi kamakalawa habang nakatayo sa harapan ng kanilang bahay.

Napag-alaman na lulan ang mga suspek ng motorsiklo at pagtapat nito sa bahay ng barangay chairman at nakita itong nakatayo sa harapan ay malapitan itong pinagbabaril at siniguro munang wala na itong buhay bago mabilis na tumakas sa lugar ang mga salarin.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy