Una sa Balita

Tserman bagsak sa murder sa lawyer

By
0 768

Arestado ang isang barangay chairman na may kasong murder dahil sa pagkakasangkot umano nito sa pagpatay sa isang abogado sa Calamba City, Laguna.

Si Florencio Morales, Jr., barangay chairman, ng Brgy. Real, Calamba City ay inaresto noong Martes ng hapon ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 4A, RSOT at CIDG Laguna sa kanyang pagmamay-aring Villa Morales Resort sa nasa­bing barangay, sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Glenda Mendoza-Ramos mula sa Calamba RTC.

Si Morales at ang tatlo pang kasapakat ang itinuturong suspek sa pagpatay sa abogadong si Demetrio Hibero, na pinagbabaril sa harap ng kanyang law office sa General Lim St., sa Calamba City noong Hunyo 16, 2007.
Si Morales umano ang mastermind sa nasabing pamamaslang.