Una sa Balita

Tserman, 1 pa napuruhan sa Batangas ambush

By
0 749

PATAY ang isang barangay captain at ang kasama nito matapos na tambangan sa highway habang sakay ng kotse sa Taysan, Batangas kahapon nang umaga.

Kinilala ng Batangas Police Provincial Office (BPPO) ang mga nasawi na sina Rolly Loredo y Dimaano, 39, chairman ng Barangay Mataas na Lupa, Taysan at si Reynan Garbin y Dimaculangan, 29.

Sa initial report ng Taysan police, sakay ang dalawa sa kotseng Toyota Wigo at tinatahak ang municipal road papauwi sa kanilang barangay galing sa town proper dakong alas-8:30 nang umaga.

Subalit pagsapit sa Barangay Mahanadiong, isang barangay bago ang lugar nila, nilagpasan ang mga ito ng isang Toyota Innova van.

Ayon sa isang testigo, isang suspek na nakaupo sa likurang bahagi ng van ang naglabas ng mahabang kalibre ng baril at sunod-sunod na ipinutok sa kotse ng mga biktima.

Agad ding tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng bayan ng Rosario.

Dead on-the-spot si Garbin samantalang dead-on-arrival sa ospital ang kapitan.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More