Una sa Balita

Tsansa ni LeBron James, Cavs suntok sa buwan

By
0 1,728

SOBRANG liyamado – milya-milya ang diperensiya – ang Golden State Warriors na mana­ig sa NBA Finals kontra Cleveland Cavaliers.

Ang core nina ­Stephen Curry, Kevin Durant, Klay Thompson, Draymond Green at posibleng si Andre Iguodala (kung makakalaro na mula leg contusion), paborito laban kay LeBron James at sa kanyang mga alagad na lulubog-lilitaw.

Huwebes sa Oakland (Biyernes sa Manila) ang Game 1, pero ayon sa Bookmaker.eu ay -1200 ang Warriors na manalo kontra Cavs.

Ibig sabihin, kaila­ngan pumusta ng $1200 para manalo ng $100 kapag nagkampeon ang Golden State.

Mas mababa sa iba, pero hindi rin nagkakalayo.

Sa BetOnline ay -900 ang Warriors, at sa Sportsbook.ag ay -1000 ang Warriors na manaig sa series.

Ayon naman sa ESPN, sa nakalipas na 16 years ay largest favorites ang Warriors sa isang NBA Finals series. Betting favorites all-time, sa NBA Finals.

Parehong nasagad sa pitong laro ang Golden State at Cleveland sa kani-kanilang confe­rence finals series.
At 12-1 favorite ang Warriors na manalo sa Game 1.

Noong isang taon, -300 favorites ang Warriors na mag-uwi ng titulo. Iniuwi nila ang pangalawang kampeonato sa nakalipas na tatlong taon sa limang laro.