Una sa Balita

Trust rating ni Robredo, bumaba

0 135

Bumaba ng 15 puntos ang trust rating ni Vice President Leni Robredo sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS), bagama’t nananatili ito sa “good” category.

Batay sa survey na isinagawa noong March 25 hanggang 28, mahigit sa kalahati ng mga Filipino o 55 percent ang nagpahayag ng kanilang “much trust” sa bise presidente, habang 25 percent ang may “little trust”.

Ang kabuuang net trust rating ng Bise Presidente ay nasa +30, mas mababa sa nakuhang +45 noong December 2016.

Nasa 20 porsiyento ng mga tinanong na 1,200 adult respondents ang hindi nagsabi kung nagtitiwala o hindi kay Robredo.

Nagpaabot ng pasasalamat ang Bise Presidente sa mga walang sawang sumusuporta at nagtitiwala sa kanyang trabaho bilang pangalawang pangulo.

Pumalo ang pinakamataas na +63 trust rating ni Robredo na nasa kategoryang ‘very good’ noong June 2016.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy