Una sa Balita

Trump sa Syria missile attack: Mission Accomplished!

By
0 1,625

Idineklara ni President Donald Trump nitong Sabado na ‘Mission Accomplished’ ang U.S. led missile attack sa Syria.

“A perfectly executive strike,” ayon kay Trump matapos paulanan ng 100 missile mula sa warplanes at barkong pandigma ng U.S., United Kingdom at France ang tatlong target sa Syria nitong Sabado ng mada­ling araw.

“Could not have had a better result. Mission Accomplished!” dagdag ni Trump.

Tinawag naman ng Russia na ‘military crime and act of aggression’ ang paggamit ng puwersa ng Amerika at ng mga kaal­yado nito laban sa Syria.

Naghain pa ng reso­lusyon ang Russia sa United Nations Security Council upang kondinahin ang ‘aggression’ ng nabanggit na tatlong bansa, subalit ibinasura lamang ito.

Tanging ang China at Bolivia lamang mula sa 15-member Security Council ang tumukod sa resolusyon ng Russia.

Kabilang sa mga tumutol ay ang US, UK, France, Netherlands, Sweden, Kuwait, Poland at Ivory­ Coast.

Nag-abstain naman ang Etiopia, Kazakhs­tan, Equatorial Guinea at Peru.

Ang hakbang ng US, UK at France laban sa Russia ay bilang parusa sa paggamit ng chemical weapon sa mga sibilyan sa Douma kung saan hi­git 40 katao ang namatay noong Abril 7. Itinanggi naman ni President Bashar al-Assad na binira nila ng poison gas ang mga sibilyan na naninirahan sa lugar na kontrolado ng mga rebelde.

Sa UN Security Council meeting, nagbabala si UN ambassador Nikki Haley na kung gagamit ulit ng poison gas si Assad, ang Estados Unidos ay ‘locked and loa­ded’ sa panibagong missile attack sa Syria.