Una sa Balita

Trump pinatitigil sa pag-tweet

0 124

Sinabihan ng kanyang mga kaalyado si US ­President Donald Trump na tumigil na sa pag-tweet tungkol sa naging miting ng kanyang mga adviser at ilang Ruso sa Trump Tower noong 2016.

Napapaypayan lang daw ni Trump ang kontrobersya kahit wala namang bagong development sa nasabing isyu.

Bunsod ito ng ginawang pagpatol ni Trump sa sinulat ng CNN at The Washington Post na natatakot umano ang presidente sa legal exposure ni Donald Trump Jr. dahil sa nasabing miting.

Bagama’t binanggit ni Trump na iniimbento lang ang sinasabing pangamba ng kanyang anak, inamin naman niyang ginawa ito upang masiraan ang katunggali niya noon na si Hillary Clinton.

“This was a mee­ting to get information on an opponent, to­tally legal and done all the time in politics – and it went nowhere, I did not know about it,” tweet ni Trump.