Una sa Balita

Trump nag-walkout sa Democrat meeting

0 519

NAG-WALK out si US President Donald Trump sa kalagitnaan ng pakikipagpulong sa mga lider ng Democrats upang tapusin sana ang government shutdown.

Katuwiran ni Trump, nagsasayang lang siya ng oras dahil sa barado naman sa mga Democrat ang hiling niya na pondohan ang pagtatayo ng pader sa border ng Estados Unidos at Mexico.

Kasama ni Trump sa nasabing pulong si Spea­ker Nancy Pelosi at Senate Minority Leader Chuck Schumer.

“Just left a meeting with Chuch and Nancy, a total waste of time. I asked what is going to happen in 30 days if I quickly open things up, are you going to approve Border Security which includes a Wall of Steel Barrier? Nancy said, NO. I said bye-bye, no­thing else works,” saad ni Trump.

Ikinadismaya naman ng Democrats ang inasal ng Presidente dahil hindi man lang umano inisip ang trabaho ng federal workers na naiipit sa pagpupumilit na ipagawa ang border wall.

Nabatid na matapos mag-walk out si Trump, sinabihan pa ni Vice-President Mike Pence sina Pelosi at Schumer kung ano ang magiging counter offer ng Democrats upang matapos na ang usapin sa border wall pero hindi sila nag-alok.