Una sa Balita

Trump marker ipinababakbak sa Hollywood Walk of Fame

0 212

Inaprobahan ng West Hollywood City Council ang resolusyon upang tanggalin ang star ni President Donald Trump sa Hollywood Walk of Fame.

Sa inaprobahang re­solusyon, hinihimok di­to ang Los Angeles City Council at Hollywood Chamber of Commerce na baklasin ang marker ni Trump, ayon kay Mayor John Duran.

Pormal din na magpapadala ng liham ang konseho kay Los Angeles Mayor Eric Garcetti.

Ngunit ayon sa Hollywood Chamber of Commerce, hindi nila aaksyunan ang kahilingang ito.

“The Hollywood Walk of Fame is a registered historic landmark. Once a star has been added to the Walk, it is considered a part of the historic fabric of the Hollywood Walk of Fame. Because of this, we have never removed a star from the Walk,” paliwanag ni Leron Gubler, president at CEO ng organisasyon.

Ang marker ni Trump sa Walk of Fame ay ikinabit noong 2007 dahil sa naging trabaho nito sa Miss Universe Pageant.
Subalit sa nabulgar ang ‘disturbing treatment’ ni Trump sa kababaihan, isinulong nina Council member John D’Amico at Lindsey Horvath ang pagtanggal sa pangalan ng US president