Una sa Balita

Trump lumayas sa New York

0 409

HINDI matanggap ni US President Donald Trump ang masama umanong pagtrato sa kanya ng mga politiko sa New York kaya nagdesisyon itong gawing permanenteng tirahan ang Palm Beach sa Florida.

“My family and I will be making Palm Beach, Flori­da, our Permanent Residence,” deklarasyon ng US president sa kanyang Twitter account.

“Despite the fact that I pay millions of dollars in city, state and local taxes each year, I have been treated­ very badly by the political leaders of both the (New York) city and state,” ayon pa kay Trump.

Ang paggawa bilang permanenteng tirahan sa Flo­rida ay ginawa ni Trump sa kabila ng pagkakaroon nito ng penthouse apartment sa Fifth Avenue sa New York.

Ngayong nagpalit na ng permanenteng tirahan si Trump ay mas mahabang oras na umano ang kanyang gugugulin sa sa kanyang mga property sa Mar-a-Lago estate sa Palm Beach.

Sa kabila ng masamang pagtrato ay nangako ang US President na tutulong pa sa mga pangangailangan ng mga taga-New York.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy