Una sa Balita

Trump kumasa sa miting kay NoKor leader Kim Jong Un

0 1,399

TINANGGAP ni US President Donald Trump ang alok na makipagpulong kay North Korean leader Kim Jong Un ngayong Mayo, ayon sa White House.

Ito ang unang paghaharap ng nakaupong Pangulo ng Amerika at ng North Korea.

Ipinadala ni national security adviser Chung Eui-yong ng South Korea ang imbitasyon kay Trump nang tumungo ito sa White House noong Huwebes.

“He will accept the invitation to meet with Kim Jong Un at a place and time to be determined. We look forward to the denuclearization of North Korea. In the meantime, all sanctions and maximum pressure must remain,” ayon kay White House press secretary Sarah Sanders.

Marami pang detalye ang kailangang plantsahin bago maikasa ang pagpupulong ng dalawang lider, kabilang na ang lokasyon. Ang Panmunjom truce village sa Korean Demilitarized Zone (DMZ), ang isa sa posibleng venue dahil dito rin nagpulong ang mga kinatawan ng North at South Korea bago ang Winter Olympics.