Una sa Balita

Trump kinuyog sa ‘shithole’ remark sa immigrants

By
0 2,538

Hindi dapat tanggapin sa Estados Unidos ang immigrants na galing sa ‘shithole’ countries.

Ito ang binanggit ni US President Donald Trump sa grupo ng mga mambabatas na nakipagpulong sa kanya sa Oval Office noong Huwebes hinggil sa isinusulong nilang reporma sa immigration.

“Why are we having­ all these people from shithole countries come here?” tanong umano ni Trump sa mga mambabatas sa nasabing miting.

Sa ulat ng Washington Post at New York Times, tinutukoy ng US President ang mga immigrant mula sa Haiti at ilang bansa sa Africa.

Ginawa ni Trump ang kontrobersiyal na komento sa kalagitnaan umano ng usapan kung paano mabibigyan ng proteksyon ang tinatayang 800,000 ‘dreamers’ sa deportasyon.

Ang pahayag ng Pangulo ay ikinagalit ng mga miyembro ng Democrats at maging sa kapartido niyang Republicans.