Una sa Balita

Trump, Kim lumagda sa Korean Peninsula denuclearization

By
0 1,698

LUMAGDA sa isang kasunduan sina US President Donald Trump at North Korean leader Kim Jong-un para sa ‘complete denuclearization of the Korean peninsula.’

Narating ang kasunduan matapos ang pag-uusap ng dalawang lider sa Capella Hotel sa Sentosa Island, Singapore.

Ang dokumento ay naglalaman ng four-point agreement sa pagitan ng dalawang bansa.

Abante Hiring – IT dep

Ito ay ang pangako ng US at North Korea sa pagsulong ng ‘peace and prosperity’, ‘stable peace’ sa peninsula, “to work toward complete denuclearization of the Korean Peninsula’, at ang dalawang bansa ay kikilos sa pagbawi ng “POW/MIA remains including the immediate reparations of those already identified.”

Nagkamayan din sina Trump at Kim sa pirmahan ng dokumento.

Matapos ang makasaysayang summit, sinabi ni Trump na umaasa siyang maraming beses pa niyang makakaharap si Kim, kasabay ng pag-imbita dito na bumisita sa White House.

Pinuri naman ni Kim ang matagumpay na pulong kay Trump at nagsabi pang kalimutan na sana ang mapait na nakaraan.

Magkasama din sina Trump at Kim sa isang pananghalian sa hotel kung saan inihain sa kanila ang beef short rib confit kasama ang sweet and sour crispy pork.

Sa paglabas ng hotel, ibinida naman ni Trump ang kanyang limousine na binansagang ‘The Beasts’ dahil sa ‘high-tech fortifications’ nito.
Sinilip naman ni Kim ang loob ng limousine bilang paunlak sa pagbibida ni Trump.

Ilang observer naman ang nagsabi na malayo pa sa katuparan ang nasabing kasunduan dahil noong nakipag-usap si dating US President Ronald Reagan kay Soviet leader Mikhail Gorbachev, inabot ito ng tatlong magkakahiwalay na miting.

Ang miting nina Trump at Kim kahapon sa Singapore ay kauna-unahan pa lamang