Una sa Balita

Trump itinanghal na Person of the Year

By
0 4

Itinanghal na P­erson of the Year ng sikat na Time magazine para sa taong 2016 si US President-elect Donald Trump.

Ayon sa managing editor ng Time magazine na si Nancy Gibbs, maliban kay Trump ay pumangalawa rin ang natalong kandidato na si Hillary Clinton.

Aniya, naging ‘straightforward’ ang pagkakapili kay Trump para sa taong ito.

Itinuturing naman ito ni Trump bilang isang malaking karangalan, at aniya, mahalaga para sa kaniya ang nasabing pagkilala.

Sa ngayon ay nagha­handa na si Trump para sa kaniyang pag-upo bilang susunod na pangulo ng Estados Unidos sa susunod na taon at pinupunan pa ang mga pwesto sa kaniyang gabinete.