Una sa Balita

Trump inulan ng boo sa UFC

0 388

INULAN ng boo si US President Donald Trump nang pumasok ito sa Madison Square Garden para sa Ulitimate Fighting Championship noong Sabado nang gabi sa New York.

Kasama ni Trump ang House GOP Leader na si Kevin McCarthy, North ­Carolina Rep. Mark Meadows, New York Rep. Peter King at ang dalawang anak ng presidente na sina Donald Trump Jr. at Eric Trump.

Si Trump na may kinakaharap na impeachment inquiry, ay inokray ng mga manonood na ang iba ay may dala pang placard na may nakasulat na ‘Remove Trump’ at ‘Impeach Trump’.

Matatandaan na ganito rin ang ginawang pagtanggap ng mga manonood kay Trump nang dumalo ito sa World Series sa Washington, D.C. sa pagitan ng Nationals at Astros.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy