Una sa Balita

Trump idinemanda sa ipatatapyas na bundok

By
0 12

Idinemanda ng sampung environmental protection group si US President Donald Trump matapos nitong pahintulutang mabawasan ang dalawang conservation areas sa Utah upang bigyang daan ang energy exploration at pagtatayo ng ibang negosyo.

Sa pagtungo ni Trump sa Salt Lake City noong Lunes, inanunsyo nito na pinayagan niyang mabawasan ng 85 porsyento ang malawak na Bears Ears National Monument at 45 porsyento­ naman ng Grand Staircase-Escalante National Monument.

Ayon sa mga grupo, iginiit nilang wala umanong karapatan ni Trump na babuyin ang likas na yaman.

Abante Hiring – IT dep

Dagdag pa ng  mga grupong Wilderness Society, Natural Resources Defense Council, Sierra Club, at pitong iba pa, hindi sila papayag na mabawasan ang nasabing lugar, dahil “labag umano ito sa batas” at “lagpas na ito sa kapangyarihan ni Trump sa ilalim ng US Constitution at Antiquities Act.”

Tatamaan umano ng nasabing hakbang ni Trump ang higit sa 100,000 archeological sites, kabilang na ang mga rock formation na tinatayang 5,000 taon gulang na at ang labi ng 21 hindi pa kilalang species ng dinosaur.

Inaasahan namang magsasampa rin ng kaso ang isang grupo ng Native Americans sa Utah, dahil sa desisyong bawasan din ang Bears Ears National Monument.