Una sa Balita

Trump humirit ng $20M danyos sa taklesang porn star

0 3,389

HUMIHINGI si US President Donald Trump ng $20 milyong danyos laban kay Stormy Daniels dahil nilabag umano ng porn actress ang kasunduan na hindi ito magsasalita tungkol sa sexual encounter niya sa Presidente.

Sa asuntong inihain ni Michael Cohen, personal attorney ni Trump, iginiit nito na idaan sa private arbitration ang usapin tungkol kay Daniels imbes na isapubliko ito, ayon sa report ng Washington Post.

Kinuha din ni Trump na abogado si Charles Harder, na minsang naging abogado ng wrestler na si Hulk Hogan at naipanalo ang kaso laban sa Gawker website.

Abante Hiring – IT dep

Ayon kay Cohen, may karapatan si Trump na hu­mingi ng $20 milyong danyos kay Daniels dahil sa 20 beses umano nitong nilabag ang pinirmahang non disclosure agreement.

Ngunit ayon naman kay Michael Avenatti, abogado ni Daniels, ang isinampang asunto ng abogado ni Trump sa federal court ay malinaw na pambu-bully sa kanyang kliyente.

“To put it simply – they want to hike the truth from the American people. We will oppose this effort at ­every turn,” diin ni Avenatti.

“The fact that a sitting president is pursuing over $20 million in bogus damages against a private citizen, who is only trying to tell the public what really happened, is truly remarkable. Likely unprecedented in our history. We are not going away and we will not be intimidated by these threats,” pagtiyak pa ng abogado ng porn star.