Una sa Balita

Trump hugas-kamay sa cover-up sa Saudi Arabia

0 209

ITINANGGI ni US President Donald Trump na pinagtatakpan niya ang kaalyadong Saudi Arabia kaugnay ng pinaniniwalaang pagpatay sa journalist sa Saudi consulate sa Istanbul, Turkey noong Oktubre 2.

“I’m not giving cover at all,” sagot ni Trump sa tanong ng reporter kung pinagtatakpan nito ang Saudi Arabia.

Ayon sa Presidente, hinihintay pa niya ang full report ni State Sec. Mike Pompeo na perso­nal na tumungo sa Turkey upang mag-imbestiga sa pagkawala at sinasabing pagpatay kay Jamal Khashoggi, sa loob ng konsulada ng Saudi Arabia.

Hiningi rin ni Trump ang kopya ng sinasabing audio recording ng pagpatay kay Khashoggi, kung mayroon mang ganitong file.

Binira naman ng Washington Post si Trump dahil sa diumano’y ‘diplomatic cleanup operation’ para pagtakpan ang Saudi Arabia.

Sa editorial headline na “Why is the Trump administration cleaning up Saudi Arabia mess?”, binakbakan ng diyaryo ang presidente ng Amerika, kasabay ng panawagan sa mga opisyal ng United Nations na bumuo ng independent
international commission para imbestigahan ang pagkamatay ni Khashoggi, contributor ng Washington Post.

Si Khashoggi ay kilalang kritiko ni Crown Prince Mohammed bin Salman.