Una sa Balita

Trump binalak ikudeta ng gabinete

0 246

Ilang senior official ni US President Do­nald Trump ang lihim na gumagalaw upang tablahin ang mga sablay na gawain ng una, ayon sa artikulong lumabas sa New York Times.

Sinabi rin sa kolum na ginawa ng anony­mous Trump official na pinag-usapan din ng gabinete ang pagpapatalsik sa Presidente, subalit nangamba sila na baka magdulot ito ng constitutional crisis.
“But no one wanted to precipitate a constitutional crisis. So we will do what we can to steer the administration in the right direction until – one way or another – it’s over,” ayon sa kolum na may titulong ‘I Am Part of the Resistance Inside the Trump Administration’.

Tinawag naman ni White House spokeswoman Sarah Sanders na duwag ang nagsulat ng kolum at dapat na mag-resign na sa gabinete.

Sa tweet, tinawag naman ni Trump na treason ang ginawa ng kanyang opisyal na nagsulat ng kolum sa New York Times.