Una sa Balita

Trump at Kim Jong Un maghaharap sa Singapore

By
0 916

Ipinahayag ni Pa­ngulong Donald Trump ng Amerik­a na makikipagkit­a siya sa pangulo ng North ­Korea na si Kim Jong Un, sa gagawing summi­t sa Singapore sa Hunyo 12, sa palabas na welcome home sa telebisyon para sa tatlong Kano na binihag ng North Korea.

Nagpasalamat naman si Trump sa pinuno ng North Korea sa pagpapalaya sa tatlong Kanong bihag, na personal na kinumusta, kasama sina First Lady Melania Trump at Vice President Mike Pence nang dumating sa Andrews Air Force base sa labas ng Washingto­n na lulan ng C-40 na eroplano ng militar, at naniniwala siya na gustong magkaroon ng kasunduan ni Kim sa pag-­denuclearize ng K­orean peninsula.

Nais ng Amerik­a ng ‘denuclearization’ sa buong Korea­n p­eninsula, at sinuspende naman ni Kim ang kanyang mga nuclear at missile test. “We will both try to make it a very special moment for World Peace!” ayon sa tweet ng presidente ng Amerika.

Una nang iminungkahi ni Trump na pabor siyang makipagpulong kay Kim sa Demilitarized Zone, sa hangganan ng North at South Korea ngunit hindi sumang-ayon dito­ ang kanyang mga adviser.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy