Una sa Balita

Truck nahulog sa bangin: 7 pupil, 4 pa todas

0 284

MALAGIM na kamatayan ang sinapit ng 11 mag-aaral na karamihan ay mga elementarya habang ilang iba pa ang sugatan matapos mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang dump truck sa bayan ng Boljoon, Cebu Biyernes nang umaga.

Kinilala ang ilang sa mga biktima na sina Jerome Niere, 11; Mary Ann Filipino, 12; Clint Isidore Dugang, 10; Jefferson Jorpo, 11; Mark Loyd Mosqueda, 12; Riza Mae Viñan, 10; Janna delos Santos, 12; Victoria Gorozon, 40; at Alexander Villanueva, 20, mayroon pang dalawang biktima ang namatay sa pagamutan su­balit wala pang detalye ang pulisya sa kanilang pagkakakilanlan.

Sa impormas­yong nakuha kay Ruben Niere, public information officer ng munisipyo ng Boljoon, naganap ang insidente pasado alas-siyete nang umaga sa Brgy. Upper Becerril ng nabatid na bayan.

Lulan ng mini dump truck ang mga biktima na karamihan ay mga estudyante mula sa Nangka Elementary School, San Antonio Elementary School at Upper Becerril Elementary School na minamaneho ng isang Danilo Niere.

Patungo sana ng Brgy. Poblacion ang mga estudyante para dumalo sa opening ceremony ng district meet subalit habang nasa palusong na bahagi ng kalsada ay nawalan ng kontrol sa manibela si Niere dahilan upang magtuloy-tuloy itong bumulusok pababa at mahulog sa bangin.

Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng awtoridad hinggil sa insidente.(Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy