Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Troubador liyamado

0 56

HALOS maglundagan sa saya ang mga karerista nang mabatid nila na magkakaroon ng karera Huwebes na ilalarga sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan City, Batangas.

Walong karera ang pakakawalan, tiyak na aabangan ng mga karerista ang pagtakbo ni Troubador sa Race 4.

“Ayos may karera na, ang ganda pa ng lineup hanggang Linggo kaya masaya ito,” saad ni Larry Toscano, karerista na taga-Mandaluyong.

Inaasahang mapapalaban ng todo si Troubadour dahil tigasin din ang anim na kalaban nito sa Condition Merge race.

Rerendahan ni former Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey of the Year awardee Patty Dilema si Troubadour na inaasahang magiging top favorite sa laban.

Ang makakalaban ni Troubadour ay sina Spandau Ballet, Gomper Girl, Box Office, Eugine Onegin, Sooner Time at Sailing Along. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.