Una sa Balita

Tropical depression Chedeng nakapasok na sa Mindanao

By
0 285

PUMASOK na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang tropical dep­ression na pinangalanang Chedeng na nagpaulan sa silangang bahagi ng Mindanao kahapon nang tanghali.

Ayon kay Gener Quitlong, weather specialist ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomi­cal Services Administration (Pagasa), nananatiling tro­pical depression si Chedeng dahil sa dala nitong hangin na nasa 45 kph na maaari pang tumaas sa 60 kph.

Patungo ang hanging may lakas na 25 kph sa westward path ng Davao Region hanggang sa eas­tern Mindanao.

Paliwanag pa ng wea­ther bureau na kapag bumilis pa ang pagpasok sa bansa ni Chedeng at mamumuo ang hangin nito at posibleng mag-landfall ito sa Lunes o Martes.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy