Una sa Balita

Tropa ni Gorayeb lalapain ang JRU

By
0 397

Mga laro ngayon:
(FilOil Flying V Centre)
12:00 nn – SSC vs JRU (women’s)
2:00 pm – EAC vs Mapua (women’s)

MAPAPALABAN agad ang San Sebastian College ngayong 2019.

Pakay ng Lady Stags na sakmalin ang pa­ngatlong sunod na panalo pagharap nila sa Jose Rizal University ngayong araw sa wo­men’s division ng 94th NCAA volleyball tournament sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Nakapagtala ng back-to-back wins ang San Sebastian bago ang holiday season break matapos kalusin ang Letran Lady Knights (25-22, 25-16, 25-22) at Emilio Aguinaldo Lady Generals (25-19, 25-20, 26-24) at nakapasok sila sa magic four tangan ang 4-1 (win-loss) card.
Kasalo ng Lady Stags ang St. Benilde Lady Blazers sa third place.

Nagkumahog ang Lady Stags sa kanilang unang dalawang laro ngayong season, pero nagawa nilang manalo, natalo sila sa pangatlong laro kontra unbeaten reigning titlist Arellano U, 15-25, 16-25, 12-25.

Pagkakataon ng mga tropa ni SSC head coach Roger Gorayeb na makisalo sa second kasama ang San Beda (5-1) kapag tinalo ang JRU (3-3) na magsisimula ng alas-12:00 ng tanghali.

Magtatapat ang Emilio Aguinaldo (0-5) at Mapua (0-6) sa alas-dos ng hapon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy