Una sa Balita

Troika nina Fajardo, Santos, Standhardinger yuko sa RoS

By
0 1,009

Thrown out si import Troy Gillenwater bago natapos ang second quarter sa Ynares Center sa Antipolo, naiwan sina June Mar Fajardo, Arwind Santos at Christian Standhardinger para ituloy ang laban ng San Miguel Beer.

Pero hindi nila nakontrol si Raymond Almazan sa overtime.

Naupo sa fourth quarter si Almazan, bumalik sa overtime at nilista ang walo sa kanyang career high-tying 25 points para itulak ang Rain or Shine sa 123-119 panalo kontra SMB Linggo ng gabi.

Solo na ng Elasto Painters ang lead ng PBA Commissioner’s Cup sa 3-1, wala pang panalo sa dalawang salang ang defending champion SMB.

Nang mawala si Gillenwater dahil sa pambabangga sa referee kulang 3 minutes sa second ay nag-all-Filipino si Leo Austria at nagawang lumayo ng Beermen, 63-49, sa half sa likod ng tig-15 points nina Standhardinger at Santos.

Naiwan ang E-Painters sa kabila ng 21 points ni Reggie Johnson sa first two quarters.

Hindi rin natapos nina Fajardo at Santos ang laro dahil sa fouls.

Ibinalik nina Chris Tiu, Maverick Ahanmisi at Gabe Norwood ang RoS sa fourth, naagaw ang lead, 102-100, sa back-to-back 3s ni Norwood. Nakapu­wersa ng extra session ang SMB sa palobong layup ni Alex Cabagnot, 112-112.

Maliban sa isa pang long range bomb ni Norwood, trinabaho na ni Almazan ang walo pang puntos ng E-Painters sa OT, anim dito mula sa free throw line, huli ang pares na nagbigay sa kanila ng 123-117 lead.