Una sa Balita

‘Trobol’ ni Coco pinilahan ng mga lola

0 552

Sobrang na-touch si Coco Martin sa suporta ng mga lola sa pelikula niyang “3pol, Trobol: Huli ka Balbon”, kasama sina Jennylyn Mercado at Ai Ai delas Alas.

Eh kasi naman, sa mall tour ni Coco kahapon sa Megamall, nakita niya ang mga lola na naka-wheelchair at manonood nga ng pelikula niya. Kaya si Coco, siya na mismo ang lumapit sa kanila, para maki-selfie.

Sobrang saya ng mga lola na ang idolo nila na pinapanood lang sa “FPJ’s Ang Probinsyano” ay nakasama na nila sa araw mismo ng Pasko.

Anyway, marami rin ang natuwa sa ginawa ni Coco kahapon, dahil hindi lang ang pelikula niya ang prinomote niya, kundi pati na pelikula ng mga kalaban niya, tulad ng “Mindanao” nina Judy Ann Santos at Allen Dizon, “The Mall, The Merrier” nina Vice Ganda at Anne Curtis, “Mission Unstapabol: The Don Identity” nina Vic Sotto, Maine Mendoza, Pokwang, at “Miracle In Cell No. 7” nina Aga Muhlach at Xia Vigor.

Simpleng ‘Showing na po’ ang caption niya sa mga photo ng mga poster ng mga pelikulang ito na ipinost nga niya sa kanyang Instagram. Aba, malaking bagay na ‘yon na i-endorse rin sila ni Coco, ha!

Ang wish nga ni Coco, walang pelikula na hindi kumita, na pilahan at panoorin talaga ang lahat ng mga kalahok sa Metro Manila Film Festival.

‘Di kinaya ang lamig, ulan: Kris sa kama nag-Pasko

Hindi kinaya ni Kris Aquino ang sobrang lamig ng panahon sa Amerika, lalo na at umulan pa raw. Kaya naman, sa mismong Noche Buena ay idinaan na lang niya sa tulog ang pagsalubong sa Pasko.

“Bed rest for me, couldn’t handle the cold rain last night- but Tito Gary & Tita Veronica brought Kuya Josh & Bimb to watch Star Wars on 4D and they went to the favorite Brazilian restaurant of my 2. #NocheBuena2019.”

‘Yun nga, naulanan din kasi si Kris nu’ng magsimba sila.

“Naulanan, pero payapang nakapag thank you kaming mga mag-mommy; and we continue to fervently pray for the good health of all, most especially Kuya’s favorite Tito. Happy Birthday, Jesus! #family #faith #love.”

Ang dami ring nakyutan sa pare-parehong outfit nina Kris, Bimby at Josh, pati na ng ibang mga kasama nila sa trip na ito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More