Una sa Balita

Triple double streak ni Westbrook 11 na

By
0 335

TULOY ang triple-double streak ni Russell Westbrook, pinahaba pa niya sa 11 games nang dayuhin ng Oklahoma City Thunder ang New Orleans Pelicans Huwebes ng gabi.

Nagsumite si Westbrook ng 44 points, 14 rebounds at 11 assists, pero hindi nai­salba ang Thunder sa 131-122 loss.

Inalat mula sa labas ng arc si Westbrook,­ pati ang partner niyang si Paul George.

Sablay ang Thunder sa 33 mula sa 44 attempts sa 3-point country – 4 for 12 lang si Westbrook samantalang 3 for 17 si George sa long range.

Nilagpasan na rin ni Westbrook si Gary Payton (18,207 points) bilang career ­scoring leader sa franchise history.
Nakakatipon na si Westbrook ng kabuuang 18,247 points.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy