Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Triple-double ni James wa epek

0 461

Nakaisa rin ang Denver Nuggets nang maalagaan ang 20-point lead at pagulungin ang Los Angeles Lakers, 114-106 sa Game 3 ng 74th NBA Western Conference 2019-20 finals kahapon sa Walt Disney World sa Orlando, Florida.

Sanib puwersa sina Nikola Jokic at Jamal Murray upang ipinta ang unang panalo at ginunting ang race-to-four win series sa 2-1, bukod pa sa nakaiwas sa pagwalis ng karibal patungo sa Game 4 bukas.

SM food to go Banner Ad

Ngumuya ng double-double 22 points at 10 rebounds si Jokic habang may 28 markers si Murray sa paramdam agad ng Nuggets sa dalawang period, nilista ang 63-53 halftime lead.

Kumatok pa sa game ang Lakers nang ibaba sa tatlo ang hinahabol, 101-98 may 5:12 sa gameclock. Pero matatag ang Nuggets, na inekisan din ang triple-double na 30 points, 11 assists at 10 rebounds ni LeBron James para sa Lakers. (Elech Dawa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.