Una sa Balita

Triple ‘D’ ni Russell lumunod sa Raptors

0 326

NAGSALANSAN si Russell Westbrook ng 19 points, 13 ­rebounds at 11 assists, mabagal nag-umpisa si James Harden pero tumapos ng 23 points at iniwan ng Houston Rockets ang Toronto Raptors 119-109 ­Huwebes nang gabi.

Solido rin ang support cast ng dalawa kina Ben McLemore, PJ Tucker at Danual House Jr. para putulin ang three-game road losing streak ng Rockets. Nagsumite sng season-high 28 points si McLemore, may 18 points at 11 rebounds si Tucker at 16 kay House.

Natikman ng Raptors ang pangalawang sunod na home loss sa kabila ng 24 points ni Pascal Siakam, 20 ni Fred Van­Vleet at 19 ni Kyle Lowry.

Career-high din ang eight 3-pointers mula 17 attempts ni McLemore. Pinantayan ni Tucker ang season-high niyang five made 3-pointers at tumapos ang Houston ng 22 for 55 mula long range.

Tumira si Harden ng 7 of 11, fewest attempt niya ngayong season­. Huli siyang hindi ­naging top scorer ng ­Rockets noong opening night nang matalo sa ­Milwaukee sa anemic na shooting niyang 2 of 13 tungo sa 19 points.

Napalakas pa ang bagsak ni Harden nang ­pa-drive sa dulo ng third. Tumayo naman siya at dahan-dahang naglakad papasok ng locker room, bumalik 2 ½ minutes ang nakalipas sa fourth quarter.

Sa back-to-back ­baskets nina Serge Ibaka at Norman Powell ay nanindak ang Raptors 101-00 may 8:39 pa, pero umiskor ng tig-anim na puntos sina Harden at Tucker sa 12-2 run sa sumunod na dalawang minuto. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More