Una sa Balita

Triple ‘D’ ni LeBron itinapon ng Hawks

By
0 524

LeBron James ba? Wala ‘yan kina Trae Young at John Collins.

Naglista si Young ng 22 points at 14 assists, naligtasan ni Collins ang foul trouble para magsumite ng 22 points, at dinagit ng Atlanta Hawks ang dumayong Los Angeles Lakers 117-113 Martes ng gabi.

Napunta sa wala ang triple-double ni James na 28 points, 16 assists at 11 rebounds sa Lakers. May tig-19 points sina Kyle Kuzma at Brandon Ingram.

“I try to live in big moments,” pahayag ni Young. “I feel like I belong here. He’s one of the best players of all time. But when I’m out on the court, I’m trying to compete and get a win.”
Mas mabigat na ang trabaho ni Young ngayon matapos ilaglag ng Hawks ang kontrata ng kanyang­ backup na si Jeremy Lin. May sprained ankle pa si Jaylen Adams, si Young ang natirang legit point guard at tumagal ng 38 minutes sa loob.

“A little bit,” nakangiting sagot ni Young nang tanungin kung napagod.

Kita sa mukha ni James ang pagkadismaya nang dumiretso sa locker­ room pagtunog ng final buzzer.

“Some guys have never played a playoff game before,” matapos ilista ang panlimang triple-double ngayong­ season. “You can’t teach them that. It’s very important to understand how important every­ game is, no matter who you’re playing­ or where you are.”

Umiskor lang ng 7 ang Hawks sa final 6:33 pero kumapit. Nagbaon ng krusyal na 3 si Taurean Prince 1:48 sa orasan, sinagasa ni Young si James para sa layup at foul na nambutata sa comeback ng Lakers.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More