Una sa Balita

Triple ‘D’ bisyo ni Brownlee

0 394

BISYO na ni Justin Brownlee ang triple-double performance bawat laro sa PBA Governors Cup.

Walang pinagkaiba nitong Linggo nang magsalansan na naman siya ng 28 points, 14 rebounds at 14 assists sa loob ng 45:19 para bitbitin ang Ginebra sa 129-124 win laban sa San Miguel Beer.

Nakabawi ang Gin Kings mula sa masaklap na 113-111 overtime loss sa NLEX noong Oct. 5 sa Dubai, umangat din sa even 2-2 para upuan ang seventh place.

Sa Dubai game ay nagsumite si Brownlee ng 42-20-10.

Naging footnote na lang ng laro noong Linggo ang season-best 52 points ni Dez Wells ng San Miguel.

Magtataka pa raw si coach Tim Cone kung mas mababa ang performance ni Brownlee.

“That’s becoming a norm for him, right?” bulalas ni Cone sa inilalaro ng kanyang 6-foot-5 resident import. “It’s surprising when he doesn’t get a trple-double.”

Sinisi pa ni Cone ang sarili na hindi niya minsan mabigyan ng pahinga si Brownlee kaya madalas nagka-cramps na.

Nang matiyempuhan paglabas ng dugout sa Smart Araneta Coliseum, nangiti si Brownlee nang iparating sa kanya ang sinabi ni Cone.

Pero ayaw niyang solohin ang kredito sa panalo.

“We just gotta give a lot of credit to the team, the hit some shots,” salag niya. “LA (Tenorio), man, he came up with some big shots. Stanley (Pringle) had a big game, Japeth (Aguilar) and Greg (Slaughter, his presence is huge.”

Tumapos ng 27 points, 6 rebounds at 6 assists si Pringle, may 19 points si Tenorio. Naka-17 markers si Aguilar at 8 points, 5 rebounds si Slaughter. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy