Una sa Balita

Triple Crown pinaghahandaan

By
0 318

PINAG-UUSAPAN na ang 1st Leg ng Triple Crown dahil malapit na itong ilarga, kadalasan tuwing Mayo o Hunyo ito pinasisibat ng Phi­lippine Racing Commission.

Pinaka-prestihiyosong karera para sa mga batang kabayo ang Triple Crown, pinaghahandaan ito ng mga trainer at horse owner.

Nagsimula ang Triple Crown noong 1978, marami nang naging kampeon pero hindi makakalimutan ang ipinakitang galing ni Fair And Square.

Hindi pa natatapatan ng ibang kampeon ang performance ni Fair And Square na pag-aari ng C & H Enterprises (Mamon family).

Si Fair And Square ang kauna-unahang kabayo na winalis ang tatlong legs ng Triple Crown series, ginawa niya ito noong 1981 at sa taon ding iyon ay kinalawit niya ang korona sa Presidential Gold Cup na isinasagawa tuwing Disyembre.

Niretiro si Fair And Square noong 1983.

Ilan lang sa mga kabayo ang nakapagwalis ng TC, huling gumawa ay si reigning Philippine Sportswriters Association (PSA) Horse-of-the-Year awardee Sepfourteen noong 2017.

Pero hindi nagkampeon sa PGC si Sepfourteen noong 2017, natalo siya kay Dewey Boulevard, sa sumunod na taon siya nagkampeon.

“Idolo talaga namin si Fair And Square, naalala ko 14-anyos ako noon, napanood ko siya nang manalo,” saad ng 52-year-old karerista na si Ernesto Kabigting.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy