Una sa Balita

Trip to Beijing ni Kim Jong-un, sinikreto

0 1,713

Lumakas ang espekulasyon na isang senior official ng North Korea ang dumating sa China at maaaring ito ay walang iba kundi si Kim Jong-un.

Dumating kasi sa Beijing ang isang North Korean diplomatic train at agad na hinigpitan ang seguridad sa nasabing lugar.

Tikom ang China, North Korea at maging ang South China na kumpirmahin kung sakay ng tren si Kim.

Bantay-sarado ang Diaoyutai State Guesthouse kung saan dating nanuluyan ang mga lider ng North Korea noong huling bumisita sila sa China.

Isinara din ang kalsada para sa mga motorista malapit sa Diaoyutal sa kanlurang bahagi ng Beijing, gayondin sa katimugang bahagi ng Tiananmen Square.

Noong 2011 pa huling tumapak sa China si Kim at ang pagbisita niya dito ay maaaring may kinalaman sa nalalapit na pakikipag-usap kay US President Donald Trump.