Una sa Balita

Trio quake sa Isabela, Batangas at Eastern Samar

By
0 0

Tatlong magkakabuntot na lindol ang tumama kahapon sa Isabela, Batangas at Eastern Samar, a­yon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismo­logy (PHIVOLCS).

Sa earthquake monitoring ng PHIVOLCS, unang tumama ang magnitude 4.2 na lindol sa bayan ng Cabatuan sa Isabela bandang alas-7:47 ng umaga.

Naramdaman ang Intensity 4 sa Cauayan, I­sabela habang Intensity 3 ang naitala sa Maddela, Quirino at sa Lamut, Ifugao. Ilang minuto ang nakalipas, inuga naman ng magnitude 4.4 na lindol ang Calatagan, Batangas bandang 7:56 ng umaga.

Sa datos ng PHIVOLCS, naitala ang lindol sa 16 kilometer kanluran ng Calatagan. Naramdaman ang Intensity 2 sa Puerto Galera, Oriental Mindoro, at Intensity 1 sa Tagaytay City.

Magnitude 4.0 naman ang tumama bandang alas-9:22 ng umaga sa Hernani, Eastern Samar at sinundan ito ng tatlong aftershocks.