Una sa Balita

Trillanes: Wagi ang hustisya!

By
0 1,007

IKINAGALAK ni Senador Antonio Trillanes IV ang pagbasura ng Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 148 sa petisyon ng Department of Justice (DOJ) na ipaaresto siya dahil sa kasong kudeta noong administrasyong Arroyo.

“Tatandaan natin ang araw na ito, nagwagi ang tama, nagwagi ang hustisya, nagwagi ang demokrasya at isang tao lang ang gumawa n’yan,” wika ni Trillanes matapos ilabas ni Judge Andres Soriano ang reso­lusyon kahapon.

Lubos ang pasasala­mat ni Trillanes kay Soriano dahil sa pagpapairal nito sa hustisya at ‘rule of law’, sa kabila umano ng tinanggap na matinding pressure mula sa admi­nistrasyong Duterte.

“Tayo po ay nabubuhayan ng loob na meron pong pag-asa dito sa ating bayan and this is personified by Judge ­Soriano at this point,” dagdag ng senador.

Sa desisyong inilabas ni Judge Soriano, binanggit nito na may kapangyarihan si Pa­ngulong Rodrigo Duterte na mag-isyu ng proklamasyon para bawiin ang amnesty ni Trillanes sa persepsyon na hindi naghain ng aplikasyon ang dating mutineer.

Nagawa naman ni Trillanes na maglabas ng ebidensiya na nag-apply siya ng amnestiya at inamin ang pagkakasala sa Oakwood mutiny. Nabigo din umano ang prosekusyon na i-rebut ang posisyon ng senador.

Sinabi pa sa desisyon na isang testigo ng gobyerno ang nagsabing porke’t hindi makita ang application form ni Trillanes ay nanganga­hulugan na itong hindi siya naghain ng aplikasyon sa amnestiya.

Nanindigan din si Soriano na dahil pinal nang binasura ang kasong kudeta laban kay Trillanes, hindi na maaaring buksan itong muli sa ilalim ng doktrina na “that a final and executory judgment shall be immutable”.

Binawi ni Pangulong Duterte ang amnestiya ni Trillanes dahil sa pa­ngungulit ni Solicitor General Jose Calida.

Naniniwala naman si Trillanes na lalo lang iigting at manggigigil sa kanya ang administrasyon dahil sa pagkakabasura ng petisyon ng DOJ.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More