Una sa Balita

Trillanes utak ng ‘Bikoy’ video — Duterte

0 328

By Aileen Taliping

IDINIIN ni Pangulong Rodrigo Duterte si Se­nador Antonio Trillanes IV na siyang nasa likod ng narco videos na nag-aakusa sa kanya at sa kanyang pamilya na may ugnayan umano sa sindikato ng iligal na droga.

Sa kanyang talumpa­ti sa miting de avance ng Hugpong ng Pagbabago sa Davao City Biyernes nang gabi, sinabi ng Pangulo na ang Magdalo ni Trillanes ang gumawa ng narco vi­deos na inilahad ni alyas ‘Bikoy’ para siraan siya at kanyang pamilya.

Idinawit rin ni Pa­ngulong Duterte ang Otso Diretso na kasabwat sa pagpapakalat ng narco videos.

“Actually Magdalo and Otso Diretso were behind the ‘Bikoy’ propaganda. Its the production of Trillanes,” anang Pangulo.

Ayon pa sa Pangulo, ang ‘Bikoy’ na nasa video na naka-hood ay hindi ang narrator dahil ang isa ay Bicolano habang ang isang nagsasalita ay may puntong Maranaw.

“The ‘Bikoy’ in the video whose face was covered was not the one who was speaking. This one is a Bicolano, while the other has the accent of a Maranao,” dagdag pa ng Presidente.

Isa sa mga paratang sa narco video ay tumatanggap umano si Pangulong Duterte kasama ang pamilya nito ng suhol mula sa sindikato ng iligal na droga.

Idinawit din ang bunsong anak ng Pangu­lo na si Kitty sa illegal drug trade na ikinagalit ng Presidente.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy