Una sa Balita

Trillanes, Usec Paras nagkainitan

By
0 3,040

Nag-init ang ulo ni Senador Antonio ‘Sonny’ Trillanes IV nang tangkain siyang kamayan ni Labor Undersecretary Jacinto ‘Jing’ Paras sa loob ng session hall ng Senado kahapon.

Namataan na ilang beses binalikan ni Tril­lanes si Paras na nakapuwesto sa VIP gallery ng session hall upang ilabas ang kanyang saloobin.

Sa unang pagdaan ng senador kay Paras, sinabihan nito ang da­ting kongresista ng mga katagang “ang lakas naman ng loob mo, kinasuhan mo ako tapos makikipagkamay ka sa akin.”

Napansin din sa komprontasyon na nagsesenyas si Trillanes ng kanyang kamay na mistulang dinuduro si Paras.

“Siguro meron akong gesture pero ang duro sa mukha ‘yun. Definitely hindi nangyari ‘yun,” giit ni Trillanes.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy