Una sa Balita

Trillanes sobra sa bodyguard — Palasyo

By
0 914

Sobra sa security detail si Senador Antonio Trillanes IV kaya binawasan ito ng Philippine National Police.

Ito ang inihayag ng Malacañang kasunod ng reklamo ng senador na tinanggalan siya ng security ng gobyerno.

Sinabi ni Presidential­ Spokesman Harry Roque, nakausap niya ang liderato ng PNP at dalawa lamang ang inalis na police security kay Trillanes.

Mayroon aniyang anim na security detail si Trillanes gayong ang dapat lamang ay apat.

Sinabi ni Roque na dapat hayaan ang PNP na gawing ligtas ang mga komunidad sa pamamagitan ng pagdeploy ng mas mara­ming pulis at bawasan ang mga sobra-sobrang police security details sa mga taong-gobyerno.

“Per PNP, 2 were removed as he already had 6 when hes only allowed 4. Let’s allow our PNP to keep our communities safe please,” ani Roque.

Pero iginiit ni Trillanes na inalis din ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang sundalong itinalaga sa kanya at hindi ni-renew ang kanilang order.

Wala rin aniyang ibi­nibigay ang senado na security personnel sa kanya.

Nilinaw naman ni PNP Spokesperson Sr. Supt. Benigno Durana Jr, mayroon pang anim na security escort si Trillanes na kinabibila­ngan ng dalawa mula sa Special Detailed Unit ng AFP, dalawa pa mula sa Philippine Navy at dalawa pa galling naman sa Senate Security Bureau.

“The non-renewal of the letter orders from the police is “in compliance with the implementation of ‘Alunan Doctrine,’” which he said “provides that government officials can only have two security protective personnel.”paliwanag ni Durana.

Dagdag pa ni Durana na titignan din ng PNP kung ang simpleng protocol ay nalaktawan at ayon sa opisyal na dapat ay naimpormahan ang senador dahil sa non-renewal ng kanyang letter orders.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy