Una sa Balita

Trillanes saklaw ng military court

By
0 1,425

Nasa hurisdiksyon pa rin ng military court ang isyu kay Senator Antonio Trillanes IV kahit na matapos ang kanyang termino o maging sibil­yan sa 2019.

Sinabi ni dating Commodore Rex Robles sa Samahang Plaridel Kapihan sa Manila Hotel, ito ay dahil nakagawa si Trillanes ng pagkakasala na naglagay sa panganib sa pambansang seguridad o national security.

Sinabi ni Robles, maaari lamang mapi­gil ang military court sa isyu ni Trillanes kung nakapag-apply ng amnesty sa tamang paraan.

Ito ay kung nakapagsumite si Trillanes ng kopya ng application for amnesty o narrative pero wala umanong maipakita ang senador.

Sakaling mayroon mang narrative, iligal pa rin aniya ang amnesty na binigay kay Trillanes dahil kulang pa siya sa time requirement na itinatakda sa batas na nagkakaloob ng amnesty o kapatawaran sa mga pagkakasala sa batas.

Nalamam na si Rob­les ay dating commodore ng Philippine Navy at mi­yembro ng commisson na naatasang mag-imbestiga laban sa mga sundalong nag-aklas sa Oakwood Hotel at Manila Pen na pinamumunuan ni noon ay LTSG Antonio Trillanes IV at iba pang junior officers ng Armed Forces of the Philippines (AFP).