Una sa Balita

Trillanes sa vlog magpapasabog

0 371

ISA nang vlogger si da­ting Senador Antonio Trillanes IV at tiyak na marami siyang mga pasa­bog sa mga susunod na mga araw.

Ayon kay Trillanes, naisip umano niyang maglabas ng vlog na pinamagatan niyang ‘Trillanes Explains’ o TRX para maipagpatuloy ang kanyang krusada laban sa katiwalian.

“Bakit ako nagva-vlog? Noong natapos ang aking termino, naisip ko, kailangan ko pa ring magsilbi sa ating bayan,” pahayag ni Trillanes sa kanyang u­nang vlog na in-upload sa YouTube noong Martes.

“So, itong ating adbokasiya ng Magdalo noong 2003 na laban sa corruption at pagreporma ng ating gobyerno, ito ngayon ang aking paraan para mapagpatuloy ‘yun,” dagdag pa nito.

Ayon kay Trillanes, ang ibabahagi niya sa kanyang mga susunod na mga vlog ay pawang mga ‘very interesting exposés’.

“Marami tayong very interesting exposés. Ito ay mabibigat na mga issue na hindi napansin dahil nga si Duterte ay may paraan para i-distract at linla­ngin ‘yung publiko. Dito sa vlog natin, hihimay-himayin natin isa-isa ito,” sabi ng dating senador.

Isiniwalat naman ni Trillanes na dalawang bansa sa Europa ang nag-alok ng political asylum dahil sa ginagawang panggigipit sa kanya ng administrasyong Duterte.

Subalit tinanggihan ito ni Trillanes at sinabing haharapin niya ang anumang panggigipit na ginagawa ng administrasyon. (Dindo Mati­ning)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More