Una sa Balita

Trillanes hindi Magdalo nominee

By
0 2,120

Kinumpirma ng kampo ni Senador Antonio Trillanes IV na hindi ito tatakbo sa anumang posisyon para sa susunod na halalan.

Ito ay matapos ang napaulat na pagtakbo ni Trillanes sa Kongreso bilang Magdalo party-list representative.
Ayon sa kampo ng senador, lima lang ang representative ng Magdalo party na naghain ng certificate of candidacy (COC) at hindi kabilang si Trillanes.

Pinabulaanan rin ang tsismis na nagsasabing nasa bakasyon ang senador.

Walang anumang katotohanan ayon sa kampo ni Trillanes na nasa Bicol ang senador bagkus ay nasa Pasay lamang para ito sa isang meeting.