Una sa Balita

Trillanes duda sa paglambot ni Duterte sa Bank Secrecy Law

By
0 811

DUDA si Senador Antonio ‘Sonny’ Trillanes IV sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais nitong magkaroon ng batas na magpapaluwag sa bank secrecy.

Ayon kay Trillanes, lip service lamang ito ng Pangulo lalo pa’t siya mismo ay hindi naman tumugon sa kanyang hamon para busisiin ang kanyang bank accounts.

Ipinaalala ng senador na hindi lumagda ang Punong Ehekutibo sa bank waiver upang patunayan na kasinungalingan lamang ang inilabas ng mam­babatas hinggil sa bank accounts nito.

“That’s pure lip service! Ni ayaw nga pumirma ng waiver nu’ng nabisto siya na may mahigit two billion pesos sa bangko,” saad ni Trillanes.

Kumpiyansa naman ang mambabatas na sa mga susunod na panahon ay lalabas din ang katotoha­nan sa kanyang mga alegasyon.

Sa veto message ni Pangulong Duterte sa ilang probisyon ng Tax Amnesty Law, iginiit nito sa mga mambabatas na gumawa ng batas para luwagan ang Bank Secrecy Law.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy