Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Trike driver ninerbyos, nakabangga sa checkpoint

0 125

Sinalpok ng isang tricycle driver ang karatula na nilagay ng mga pulis sa isang checkpoint sa San Carlos City, Pangasinan.

Ayon sa barangay chairman ng Brgy. Balingit na si Primitivo Peralta Jr., ninerbyos umano ang tsuper dahil sa mga pulis na nasa checkpoint, sa panayam ng ‘Balitang Amianan’.

Nakuhanan sa CCTV ang ginawa ng tricycle driver kung saan makikitang nagkalasog-lasog ang signage ng pulisya.

Kaagad namang nadala sa presinto ang naturang tricycle driver na hindi muna kinilala, at dito nalaman na wala palang dalang dokumento kaya nataranta.

Dahil dito, pinagbabayad ang tsuper para sa kanyang nasirang karatula.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.